Friday, April 04, 2008

Luneta

Noong bata ako,makapunta lang kami sa Luneta “big deal” na.
Isa, dalawa..beses siguro ako nakatapak sa Luneta can’t remember though.
Basta ang alam ko ‘yong Manila Zoo at ang palaruan ang natatandaan ko.

Ngayong nasa Manila na ako,madalas nadadaanan ko na lang sya.
Ni hindi magawa ng mga paa ko na makahakbang patungo sa lugar na 'yun.
Hanggang tanaw na lamang ako mula sa Fx na sinasakyan ko.

Hayyyy...
Kapag naririnig o nakikita ko ang Luneta sa TV, iba na ang pumapasok sa isip ko.
Jologs...jologs ang lugar na yun, dahil jologs ang karamihan na nandoon.
Nangingilabot akong isipin na makakarating ako doon. Yikeesss...


Pero teka...hmmmmm..
Di ba jologs din ako??!! Kung si Jose Rizal nga nakatayo ang munomento doon
Bakit di ko magawang pumasyal man lamang at masilayan ang ganda ng Luneta.
Sabi nga sa aklat ng kasaysayan, Historical Place ang Luneta dahil doon pinatay si Rizal.

Oh Luneta, sana muli kitang masilayan sa malapitan...
Maitapak ang aking mga paa sa lupang puno ng kasaysayan...
Mahiga sa damo at tanawin ang kalangitan...
Kasama ang mga taong namamasyal, nagmumuni-muni..
Mga nagpapalipas oras o ang mga tao na sa Luneta naninirahan...

At malapit na dumating ang araw na ‘yon...

No comments: